TINUTUTUKAN ngayon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Datu Odin Sinsuat ang sitwasyon ng mga bakwet na lumikas dahil sa ginawang pang-aatake ng mga armado sa bayan noong gabi ng Martes.
Sinabi ngayong umaga sa Brigada News FM Cotabato ni MDRRMO Monesa Ayao Sale, nasa 974 na pamilya ang naiulat na lumikas mula sa apat na mga barangay na apektado ng kaguluhan.
Nakapag-paabot na rin ng tulong ang Lokal na Pamahalaan sa direktiba na rin ni Mayor Datu Lester Sinsuat at tinututukan din nila ang kalagayan ng mga bata at matatanda sa loob ng evacuation center.
Sa talaan ng LGU DOS, narito ang bilang ng mga bakwit sa ibat ibang evacuation centers:
- Sarilikha National High School – 316 Families
- Broce Elementary School – 337 Families
- Dinaig Elementary School – 151 Families
- Tamontaka Chapel – 75 Families.