Itatalaga bilang bagong tagapagsalita ni Vice President-elect Sara Duterte si Atty. Reynold Munsayac.
Ito ay para magbigay daan sa dating spokesperosn ni Duterte na si Christina Frasco na itinalaga naman bilang Tourism Secretary.
Si Munsayac ay dating commissioner at acting chairman ng Presidential Commission on Good Goverment – ahensyang binuo para habulin ang mga ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Nag-resign si Munsayac sa PCGG noong 2021 upang tumulong sa pangangampanya kay Duterte.
Si Munsayac at si Duterte ay dating magkaklase sa law school.
Samantala, pinasalamatan naman ni Duterte si Frasco sa pagsilbi nito bilang kanyang spokesperson.
Umaasa itong magiging maayos ang kanyang trabaho sa DoT para sa ikabubuti ng tourism sector ng Pilipinas.
#