KORONADAL CITY- NASA 79 na mga scholarship slots ang binuksan ng provincial government ng South Cotabato sa ilalim ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-in Aid Program oKPSGIAP – Post Graduate Degree sa Law at Medicine para sa academic year 2022-2023.
Inihayag ni KPSGIAP Unit Head Atty. Rhonalyn Gallego na ang mga scholars na nag-aaral ng Law ay makakatanggap ng educational assistance na P 30,000 per semester habang ang mga nag-aaral ng Doctor of Medicine ay makakatanggap naman ng P 40,000 per semester.
Ang deadline ng submission ng application documents ay itinakda sa August 26.
Ang Kabugwason scholarship ay isang programa ng provincial government na may layuning matulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante na makapagpatuloy at makapagtapos sa kanilang pag-aaral.
Para sa dagdag na impormasyon makipag-ugnayan lamang sa 09319745315 o 228-2631.
