Pormal na nagpadala ng imbitasyon ang Quad Committee ng Kamara na pirmado ng overall chairman na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers para kay dating pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa susunod na public hearing ng komite sa Martes, Oktubre 22.
Partikular na inimbitahan ng Quad Comm si Duterte sa susunod na pagdinig “to provide valuable insights and shed light on the issues under discussion particularly on extra-judicial killings.”
Ito ay kasunod nang ilang buwan nang imbestigasyon ng Quad Comm sa pinaniniwalaang magkakaugnay na mga illegal na aktibidad na konektado sa illegal drugs, extrajudicial killings, at Philippine offshore gaming operator (POGO).