UMABOT sa kabuoang 343 na mga estudyante sa rehiyong Bicol ang sumailalim sa Fisheries Scholarship Program-Nationwide Qualifying Examination.
Ito ay isang pagsusulit na kung makakapasa ang isang mag-aaral ay pagkakalooban siya ng iba’t ibang mga benipisyo at asistensya para sa kaniyang pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Fisheries (BS Fisheries).
Sa datos ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources Bicol, ang nabanggit na bilang ay mula sa Sorsogon State University na may 121 examinees, Central Bicol State University of Agriculture, Camarines Sur na mayroong 82 examinees, Masbate School of Fisheries, Milagros, Masbate na may 52 examinees, Bicol University, Tabaco City, Albay na may 45 examinees, Provincial Fisheries Office, Catanduanes na may kabuong 22 examinees at Camarines Norte State College sa bayan ng Mercedes ay mayroon namang 21 examinees.
Ito ay pinangunahan ng National Examiner mula sa BFAR Central Office na si Jed San Buenaventura at sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang mga testing areas sa anim na probinsya sa Bicol.
Sa darating na Enero sa susunod na taon inaasahang ilalabas ang resulta ng mga nakapasa sa naturang eksaminasyon na kung saan mayroon lamang 26 na mga scholarship slots, 20 para sa mga anak ng mangingisda, 3 sa mga honor students, at sin sa mga miyembro ng Indigenous People.
Samantala ang naturang programa ay sa ilalim ng Fisheries Scholarship Program ng naturang ahensya. KENNETH BERMIL