Apat na buwang sanggol, dinukot habang natutulog ang mga magulang sa bangketa

Dinukot ang isang apat na buwang gulang na sanggol habang natutulog ang kanyang mga magulang sa bangketa sa Quezon City.

Nasaksihan sa CCTV ang insidente kung saan isang babaeng suspek ang mabilis na kinuha ang sanggol at sumakay sa taxi. Makikita pa ang babaeng naka-hoodie na nagmamasid sa paligid bago tuluyang kinuha ang bata mula sa mga natutulog na magulang

Natunton ng Quezon City Police District ang taxi sa tulong ng barangay CCTV, at ayon sa pahayag ng driver, ibinaba ang suspek sa isang mall kung saan sumakay ito ng bus patungong Laguna.