Dating NPA, pinatay umano ng mga dating kasamahan sa Tboli, SoCot

KORONADAL CITY — PATAY ang dating miyembro ng New People’s Army o NPA matapos itong pinagbabaril ng mga umano’y dating kasamahan nito sa grupo sa Sitio Sobuy, Barangay Datal Dlanag, Tboli, South Cotabato.

Kinilala ng Tboli PNP ang biktima na si Tammy Adam Taw, nasa legal na edad, residente ng nabanggit na lugar at isang NPA surenderee.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tboli PNP, nagpapahinga sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pinasok ng isang Ka Jorge kasama ang isa pang miyembro umano ng NPA sa ilalim ng Front 73 ng Sparrow Unit.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kapwa armado umano ang mga suspek ng AK47.

Tatakas pa sana ang biktima palabas ng bahay ngunit pinagbabaril ito ng tinatayang 10 armado na naka-abang sa labas gamit ang matataas na kalibre ng baril.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dahil sa insidente, agad na binawian ng buhay ang biktima matapos nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang dibdib at mata.

Bago tumakas ang mga suspek, nag-iwan pa umano ng sulat si Ka Jorge na nagsasabing ang grupo nila ang responsable sa pagpatay sa biktima matapos itong sumuko sa gobyerno kasama ang kanyang anak.