Dating Miss Universe Olivia Culpo, excited at handa na para mag host ng 71st Miss Universe Competition

Excited at handa na para mag host ng mag-host ng 71st Miss Universe Competitionsi dating Miss Universe Olivia Culpo sa January 14 (Jan. 15 sa Mayila).

Sina Olivia at Jeannie Mai Jenkins ang kapalit ni Steve Harvey bilang pinakabagong host ng Miss Universe Competition.

Ngunit tila nawalan ng gana ang ilang sumusubaybay sa pageant matapos ipahayag na si Olivia ang magho-host.

Matatandaang umani ng mga batikos at sangkatutak na memes ang kumalat tungkol sa kanyang wala umanong kabuhay-buhay na hosting skills nang maging co-host siya ni Mario Lopez sa 69th Miss Universe noong May 16, 2021.

Sa pagtugon sa isyu, sinabi ni Olivia na mas mataas na enerhiya ang asahan sa kaniya.//CA