Batista pinutol na ang pagkakaibigan kay Manny Pacquiao dahil sa anti-gay statement ng boxing champion

Pinutol na ng Wrestler-actor na si Dave Bautista na mas kilala bilang Batista ang pagkakaibigan nito kay Manny Pacquiao dahil a anti-gay statement ng boxing champion

Lumalabas na ito ang nangyari sa pagitan nina Dave Bautista at Manny Pacquiao batay sa rebelasyon ni Dave sa isang magazine shoot.

Sa isang video clip, inilahad nito na tinakpan niya ang isang tattoo sa kanyang kaliwang braso

Walang binanggit na pangalan ang Hollywood actor, subalit pinangalanan na sa iba-ibang international at local online media na ang tinutukoy ni Dave ay ang katulad na tattoo ni Pacquiao.

Aminado si Dave na personal sa kanya ang isyu dahil ang kanyang ina ay isang miyembro ng LGBT.//CA