Poll watchdog sa Comele: Agad aksyunan ang reklamo sa OAV

Nanawagan ang poll watchdog Kontra Daya sa Commission on Elections (Comelec) na agad aksyunan ang umano’y iregularidad sa unang linggo ng overseas absentee voting (OAV), kabilang na ang umano’y preshaded ballots.

Ayon kay Kontra Daya convenor Danilo Arao, kailangang seryosohin ng Comelec ang naturang mga ulat at hindi lang umasa sa mga pagtanggi ng ilang officials abroad.

Read More:  PNP forms new tracker teams to arrest Sen. Bato Dela Rosa

Mababatid na matapos una nang ibinasura ang ulat hinggil sa preshaded ballots, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ilalabas niya ang naturang isyu sa buong commission at paiimbestigahan ang umano’y iregularidad.

Read More:  Leila de Lima eyes libel, cyberlibel decriminalization

Samantala, sinabi naman ni Arao na bagama’t “welcome news” ang pagpapaimbestiga, dapat rin umanong isapubliko ang kanilang magiging findings.

Nabatid na ngayong taon, mayroong 1,697,215 na mga rehistradong overseas absentee voters. //MHEL PACIA-TRINIDAD