Dalawang sundalo, nasawi matapos tamaan ng kidlat habang nasa tungkulin

Nasawi ang dalawang sundalo habang sugatan naman ang apat na iba matapos tamaan ng kidlat habang nagsasagawa ng military operation sa Lubuagan, Kalinga noong ika-12 ng Mayo taong kasalukuyan.

Ayon sa 5th Infantry Division, Philippine Army, ang mga nasawi ay kinilalang sina Cpl Andrew Five Monterubio at Pvt. Inmongog Aronchay,habang ang mga sugatan naman ay sina Sgt. Denis Bananao, PFC Melvin Danggalan, Pvt. Abegil Awingan at Pvt. Riel Angya.

Ang apat na sundalong nagtamo ng injuries ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Kalinga District Hospital.

Nagdadalamhati ang buong hanay ng kasundaluhan sa pagkasawi ng dalawa nilang kasamahan habang kinilala rin ang kanilang naging serbisyo upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Samantala, pinuri naman ng 5ID ang agarang pagbibigay ni Mayor Joel Tagoatao ng karampatang tulong sa mga naapektuhang sundalo maging ang agarang pagresponde ng mga medical personnel upang mabigyan ng kaukulang lunas ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *