Army to Army exercise kasangga, nagsimula na

Isinagawa sa 5th Infantry Division, Philippine Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela kahapon ang pagsisimula ng Army to Army Exercise ng Pilipinas at Australia.

Ang Kasangga 01-2024 ay isang pagsasanay na layuning mahubog pa ang kakayahan ng kasundaluhan sa mga isinasawagang operasyon sa urban, breaching, tactical casualty care, jungle survival training, intelligence, surveillance at reconnaissance.

Kabilang din dito ang palitan ng kaalaman at kasanayan sa pagitan ng kasundaluhan ng 5ID at Australia Defense Force ukol sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.

Mayroong 50 personnel mula sa 1st Battalion, Royal Australian Regiment at Australian Army ang AFD habang 100 personnel naman mula sa 86th Infantry Battalion ang kalahok ng 5ID.

Magtatagal ang naturang pagsasanay hanggang sa ika-21 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *