Kikilalanin na bilang mga national shrine ang dalawang simbahan sa bansa.
Sa isang pahayag, inaprubahan na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang designation ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Assumption sa Maasin City, at Diocesan Shrine of Our Lady of Mercy sa Quezon City bilang national shrine, kasabay ng ika-128 na plenary assembly ng mga ito sa Cagayan de Oro City.
Noong 1771, ang Maasin ay naging isang parokya sa ilalim ng Jesuit missionaries.
Taong 1843 nang ang mga paring Franciskano ang mag-take over nito.
Samantala, itinayo naman ang Novaliches shrine ng mga Augustinian missionaries mula sa Espanya.
Itinalaga ito bilang Parroquia de Nuestra Señora de la Merced noong 1856, at idineklara ring d