Ipinagpasalamat ng mga top security official ng bansa ang tulong ng Japan sa pagpapalakas ng kakayang pandepensa at pagtugon sa kalamidad ng bansa.
Ayon kay National Security Council Sec. Eduardo Año, committed ang Pilipinas na palawakin pa ang kooperasyon nito sa Japan na isa sa mga strategic partners nito.
Ang pahayag ay ginawa ni Año, bago ang paglagda sa Reciprocal Access Agreement ng Pilipinas at Japan sa ika-70 anibersaryo ng Japan Self Defense Force.
Kasunod nito, pinuri ni Ano ang Japan sa pagtalima nito sa international law at rules based order.
Samantala, sinabi naman ni Japanese ambassador Endo Kazuya na sa pagpapaigting ng kooperasyon ng 2 bansa, ay matutugunan nito ang aksyon ng China sa navigational at regional stability.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang makilala ang driver ng Mitsubishi Xpander at malaman ang iba pang mga detalye ng insidente. Hinihikayat ng mga awtoridad ang sinumang may impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng biktima na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.