Dalawang katao na nagnakaw ng kambing at nasamsaman pa ng iligal na droga, arestado

Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang dalawang construction worker na unang nabistong nagnakaw ng mga alagang kambing sakay ang isang kotse sa Gattaran, Cagayan.

Una rito, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jaycee, 27-anyos residente ng Gattaran at alyas Dave, 28-anyos na mula naman sa Paoay, Ilocos Norte.

Sa tulong ng CCTV Footage ay nakuha ang aktwal na pagtangay ng mga suspek sa mga kambing gamit ang isang kotse kung saan ito ay kinuha sa Gonzaga, Lal-lo, Baggao at Gattaran.

Bukod sa mga ninakaw na kambing ay nakuha rin sa loob ng kanilang sasakyan ang isang sachet ng shabu at limang bala ng M16 at 9MM na baril.

Ibinunyag naman ng dalawa na tatlo ang kinuha nilang kambing sa Lal-lo subalit iniwan nila ang dalawa dahil hindi na ito kasya sa kanilang sasakyan.

Napag-alaman pa na ibebenta sana ng dalawa ang apat na ninakaw na kambing sa halagang P20, 000 at batay sa imbestigasyon posibleng hindi umano ito ang unang beses na nagnakaw ang dalawa ng kambing.

Sinubukan pang tumakas ni Alyas Dave matapos tangkaing languyin ang ilog Cagayan ngunit nahuli rin ito ng pulisya habang si alyas Jaycee naman ay kusang isinuko ng kaniyang ina.

Isinampa na ang patung-patong na kasong 4-counts of Theft, paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 laban sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *