Balitang babawasan ang rice subsidy at iba pang benepisyo ng mga pulis, tinawag na ‘fake news’

Tinawag na ‘fake news’ ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil ang mga lumutang na balita na mababawasan ang benepisyo ng mga pulis.

Sinabi ni Marbil na walang katotohanan na babawasan ang rice subsidy ng mga pulis.

Maliban dito, ay wala rin umanong katotohanan na babawasan ang kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay.

Paliwanag ni Marbil, mayroong mga gumagawa nang kwento para manira ng kanilang organisasyon.

Giit nya, hindi sya natutuwa sa ganitong fake news dahil nakakagulo ito at nagreresulsa sa pag-iisip ng masama ng mga pulis.

Samantala.. sinabi naman ni Marbil na marami syang planong pagbabago sa PNP pero bago ito ipatupad ay kailangan umanong kausapin ang kanyang command group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *