Dalawang barko ng China Coast Guard – na-monitor sa bahagi ng Zambales at sa Palawan

Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang barko ng China Coast Guard 62.08 nautical miles west ng Capones Island, Zambales.

Sa isang X post, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na nag-depart mula sa Bajo de Masinloc noong July 21, 2024 at nagtungo ng El Nido, Palawan ang CCGV 3301.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mula rito ay sinamahan na nito ang Zhaotim-class CCGV 3105.

Noong July 23, 2024 – nagtungo naman ito sa northeast ng Recto Bank at nanatili muna roon nang isang araw bago nag-proceed sa kanyang current location.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, nagpakita naman ng ‘significant movements’ ang CCGV 3105, at nananatili sa 64.5 nautical miles away sa Tapiutan, El Nido, Palawan.