Disenyo ng ilang flood control, pinasusuri ni Pangulong Marcos

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos na pag aralan muli ang disenyo ng ilang flood control facilities.

Kasunod ito ng matinding pagbaha na nangyari sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sa ambush interview ng Pangulo pagkatapos nitong inspeksyunin ang nasirang floodgate sa Navotas city, sinabi ng Pangulo na bagaman mas marami ang tubig ulan na ibinuhos ng bagyong Ondoy noon, mas malawak pa rin ang naging epekto ng bagyong Carina at maraming lugar ang binaha.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Nangyari rin anya ito kahit mas maraming flood control ngayon kesa noon.

Tinukoy naman ng Pangulo na posibleng epekto rin ito ng climate change.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, nakiusap naman ang Presidente sa publiko na huwag magtapon ng basura kahit saan.

Ito rin daw kasi ang nakita nilang dahilan kung bakit hindi masyadong gumana ang mga pumping station dahil sa pagbara ng sangkaterbang basura.

Nabatid na merong 81 pumping station sa Navotas at 32 naman sa Valenzuela.