Agarang pagsasaayos sa nasirang navigation gate sa Navotas, ipinag-utos ni PBBM

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Public Works and Highways na agarang isaayos ang nasirang flood gate sa Navotas.

Sa situation briefing kaninang umaga, sinabi ng Pangulo na gawan ito ng remedyo kahit emergency measures muna habang pinapahupa ang tubig.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Halos lahat kasi ng mga barangay sa CAMANAVA area ay lubog sa baha dahil sa bilis ng pagpasok ng tubig kahit tumila na ang ulan.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Nabatid na nasira ang natung floodgate matapos magpumilit na pumasok ang isang barge mula sa dagat patungong shipyard.