Application para sa pagkakaroon ng sariling molecular laboratory sa Camarines Norte naisumite na sa central office ng DOH

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office nitong Martes (PHO)na naisumite na nito ang application sa central Office ng Department of Health (DOH) para sa pagkakaroon ng sariling molecular laboratory sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na naghihintay na lang sila ng “go signal”  mula sa DOH upang makapagtayo ng naturang pasilidad.

Kapag mayroon nang sariling molecular laboratory ay mapapabilis ang  pag proseso ng mga specimen samples dahil hindi na ito kailangang dalhin pa sa labas ng lalawigan.

Sa ngayon ay nagpapadala ng samples ang probinsiya para sa RT- PCR test sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Camarines Sur at kung mas marami ay sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) sa Lungsod ng Legazpi.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay Francisco na siya ring Incident Commander for Health, iminungkahi niya ito sa Provincial Incident Management Team dahil base umano sa kaniyang assessment ay matatagalan pa bago matapos ang pandemya.

Paliwanag ni Francisco, tiyak na kakailanganin ang molecular laboratory na maaaring hindi ngayon pero sa mga susunod pang pandemya na posibleng maranasan ng bansa.

“In my opinion, in my assessment, this pandemic will not end as soon ano, so whether we like it or not the molecular laboratory is really, kumbaga kailangan natin, hindi man ngayon dun pa sa mga susunod na pandemic na magkakaroon tayo,” ani Francisco.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang DOH aniya ang magpopondo sa gagawing molecular laboratory at ang Provincial Government naman ang magha- hire at maglalagay ng medical technologist at laboratory aide.

“Yes  sila ang popondo diyan yung structure, pero in terms of management, in terms of human resource for health sa atin po yun, counterpart po natin yun.”