Dalawa patay sa landslide sa Yunnan, China

Isang landslide sa lalawigan ng Yunnan ng China ang pumatay sa dalawang tao habang dose-dosenang pang indibidwal ang nawawala.

Ayon ito sa nagpapatuloy pa ring resuce operations sa gitna ng sub-zero na temperatura.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Tumama ang landslide sa dalawang village sa Southwestern City ng Zhaotong, na ikinawala ng hindi bababa sa 47 katao mula sa 18 kabahayan.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Nag-deploy na ang China ng halos 1,000 rescue worker sa pinangyarihan, kasama ang halos 200 rescue vehicle

Pinangunahan ni Chinese Vice Premier Zhang Guoqing ang isang workgroup patungo sa site upang gabayan ang mga rescue work.