Dalawa, arestado sa pagbebenta ng registered SIM cards

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group (ACG) sa magkahiwalay na entrapment operations ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng registered sim cards online.

Ayon sa ACG, naaresto ang suspek na sina alias “Erol” at “Mau” sa ikinasang operasyon sa Valenzuela City at Novaliches, Quezon City.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nag-ugat ang operasyon matapos ang masusing cyber patrolling ng ACG kung saan natuklasan ang iligal na bentahan ng registered SIM cards sa social media.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nakumpiska mula sa suspek ang nasa 167 SIM cards na ibinebenta ng P18 pesos kada isa.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa SIM Registration Act, in relation to RA 10175 O Cybercrime Prevention Act.