Empleyado – patay nang masunog ang pinagtatrabahuhang karinderya sa Sampaloc, Maynila

Nasawi ang isang babae sa sunog na sumiklab sa commercial building sa G. Tuazon Street sa Barangay 414, Sampaloc, Manila kaninang madaling araw.

Base sa imbestigasyon, isang babaeng stay-in na empleyado ng isang carenderia ang nasawi.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Kwento ng dalawang empleyadong nakaligtas, natutulog sila sa unang palapag ng gusali at natutulog naman sa mezzanine ang biktima nang mangyari ang sunog.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog pasado alas tres y media ng madaling araw kanina at agad itong itinaas sa unang alarma.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog habang aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala.