DepEd, iniimbestigahan na ang sa pagkamatay ng guro sa Davao de Oro

Iimbestigahan ng Department of Education-Davao ang pagkamatay ng isang guro sa Pantukan, Davao de Oro, na namatay umano dahil sa stress matapos na pagtawanan ng principal.

Ayon sa tagapagsalita ng DepEd-11 na si Jenielito Atillo, isang dayalogo ang isasagawa at padadaluhin ang punong-guro.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Base sa imbestigasyon, dinala sa ospital ang guro at namatay umano dahil sa stress matapos umanong sawayin ng principal.

Nangyari ang insidente matapos direktang magsumbong ang isang magulang sa punong-guro na nasugatan ang kanyang anak sa loob ng silid-aralan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa isang group chat, sinabi ng guro na nagche-check siya ng mga papel nang mangyari ang insidente sa estudyante.

Sumasayaw umano ang estudyante at tumama ang ulo sa upuan at nasugatan.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DepEd-Davao de Oro sa pamilya ng guro.