Dalagang nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga at illegal possession of firearms naaresto ng Basud Police

CAMARINES NORTE- Inaresto ng mga tauhan ng Basud Municipal Police Station ang isang dalaga na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga at illegal possession of firearms.

Kinilala ang akusado na si alyas “Maria” 26 anyos, dalaga at residente ng Purok 1, Brgy Bactas, Basud, Camarines Norte.

Ginawa ng mga pulis ang pag aresto sa dalaga sa pinagtataguang lugar sa  Remedios Street, Purok-8, Brgy 2, Daet, Camarines Norte, Sabado ng umaga sa bisa ng dalawang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Arniel A. Dating, ng Regional Trial Court Br. 41.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ipinalabas ang dalawang arrest warrant noong May 24, 2022 at June 17, 2022.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nagrekomenda ang hukuman ng piyansa na nagkakahalaga lahat ng P350, 000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nasa kustodiya ngayon ng Basud Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang akusado ay ika- anim sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa naturang bayan.