Daily trips  mula bus mula Bicol Central Station patungong NCR nadagdagan; dagsa ng pasahero oras na isailalim sa alert level 1 ang NCR hindi pa masabi

NAGA CITY-  Simula nang isailalim sa Alert Level 2 ang Naga City umakyat sa mahigit 30 ang bilang ng bus na bumibiyahe mula sa Bicol Central Station patungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX sa ordinaryong araw mula sa dating 15  araw-araw bago ang holiday season nitong 2021.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado na madaragdagan pa ito kung patuloy na halos walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod at patuloy din ang pagbaba ng kaso sa National Capital Region (NCR).

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala sa pagpabor ng mga alkalde sa NCR na ibaba na sa Alert Level 1 ang quarantine classification  sa Marso at mangyaayri na ito sa Marso 1 base sa bagong inilabas na quarantine classification ng IATF , inaasahan ang mas pang paggaan ng restrictions. Sa puntong ito hindi pa masabi ni Reforsado ang posibilidad nang pagdagsa ng mga pasahero.  Gayunpaman lagi namang nakahanda ang terminal, marami ring units ng bus na pinahihintulutang makabiyahe.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system