Pagkapanalo sa 6/45 mega lotto ng isang taga Naga City, malaking bagay sa charity fund ayon sa PCSO

NAGA CITY-  Tinamaan ng tumaya sa Naga City, Camarines Sur ang 6/45 Mega lotto na may jackpot Prize na umaabot sa P10, 304,636.60. May winning combination ang 06-22-23-41-36-21 sa draw nitong Biyernes Pebrero 25, 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Philippine Charity Sweepstakes Office Provincial Officer Jobet  Ramos , sinabing malaking bagay ito para sa charity fund. Kapag may nanalo nabubuhayan ng pag-asa ang ibang mga mananaya kaya nadaragdagan ang bilang ng mga tumataya.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kapag ganito ang sitwasyon mas napapalawak ng PCSO ang kanilang serbisyo , tulad ng pagbibigay medical financial assistance.

Nitong pandemya nabasawan ang tulong na naibibigay ng PCSO dahil kakaunti tumataya, nagsara rin ang maraming lotto outlets. Ngayong 2022 , 80 na ang bukas.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

2017 ng apat na mga taga  Camarines Sur kabilang na rito ang taga Naga City ang nanalo sa lotto. 2021 naman nang masungkit din ng taga Iriga City ang jackpot at ngayong 2022 , isang taga Naga.