Inilahad ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol ang mga dahilan kung bakit may ilan pang mga tao na nagparehistro sa PhilSys ang hanggang sa ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang national IDs.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PSA Bicol Spokesperson, Vlademir Peraja, inihayag nitong ito ay dahil sa machine na ginagamit kung saan nagkakaroon ito ng backlog.
Isa pa umano rito ay ang proseso ng printing ng mga ID kung saan hindi kinakaya ang pagproduce ng mga ito sa isang araw.
Kung kaya, ang pinakasolusyon umano rito ay ang magkaroon ng karagdagang machines upang mas mapadali ito.
Dagdag pa ni Peraja, ang mga printed ID o e-PHILID ay maaari namang magamit pansamantala para sa mga transaksyon habang hinihintay ang pagdating ngt mga national ID.
Siniguro naman nito na tatanggapin ang e-PHILID sa mga opisina dahil parehas lang naman umano ang bisa nito tulad ng PHILSYS ID.