NAGA CITY – Isa ang bayan ng Cabusao sa lalawigan ng Camarines Sur sa dinarayo nitong mga migratory birds tuwing papasok na ang summer time para maghanap ng mainit na lugar at ng maraming pagkain .
Tatlong barangay sa naturang bayan ang paborito ng mga ibon na ito tulad ng Barangay Pandan, Barcelonita at sa Barangay Biong, na magkakatabing barangay at may malawak na wet lands para sa mga ito.
Ang kinokonsiderang wet lands sa mga barangay na ito ay mahigit namang binabantayan ng ilang mga personahe ng LGU-Cabusao katulong ang mga barangay opisyal para matiyak na ligtas ang mga ibon sa mga magtatangkang manghuli o manakit.
Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Biong Barangay Kagawad Lanie Buising Boragay, sinabi nito na didisiplinahin nila ang sinumang individual o grupo na makikitang manghuhuli sa mga ibon.
May mga grupo kasi noon na dumarayo din sa kanilang barangay para manghuli ng ibon at ipinagbibili na ayon sa opisyal mahigipit na ipinagbabawal ng batas.
Ang pagdatingan ng mga migratory birds sa Cabusao ay nakakatulong sa programang pang turismo ng local na pamahalaan, dahil may mga local tourist na dumarating din sa bayan para tingnan ang iba’t-ibang mga ibon.
Mababatid na 4,000 Waterbirds ang nakita sa Annual Asian Waterbird Census ng Department of Environment and Natural Resources-Bicol sa lalawigan ng Camarines Sur.