LEGAZPI-Muling tinanghal bilang 2022 Search for Outstanding Barangay sa ilalim ng Albay for Beautification Clean and Green Program ang Brgy. Dap-Dap sa lungsod ng Legazpi.
Ito kasi ay matapos na mapanatili ang nasabing parangal sa buong lalawigan.
Sa nasabing programa, natanggap na ng konseho ang tseke na aabot sa 175,000 pesos at plake na binigay ng Provincial Government of Albay.
Samantala, nag-ikalawa naman ang Brgy. Pistola, ng bayan ng Oas na nakatanggap na ng 150,000 pesos at ikatlo naman ang Brgy. Balangibang sa bayan ng Polangui nabigyan ng 125,000 pesos.
Ikinatuwa naman ng LGU Polangui matapos masungkit ang top award para sa AFBCGP Outstanding LGU na sinundan ng Tabaco, Sto. Domingo, Bacacay at Tiwi.
Kung maaalala sa pangunguna ni Albay Governor Al Francis Bichara, nabuo ang nasabing programa na may layunin na mabigyan ng pagkilala ang mga barangay na napapanatili ang kaayusan at kalinisan ngayong pandemya.