PCG Modernization Bill, magsisilbing “first line of defense” sa maritime security ng bansa – kongresista

Naniniwala si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na mahalagang hakbang ang pag-apruba sa modernisasyon ng Philippine Coast Guard sa harap ng mga banta sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos maipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10841 na layong palakasin ang organizational at operational framework ng PCG upang mas maging “responsive” sa maritime security ng bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa pamamagitan ng panukala ay bibigyan ang PCG ng limang bilyong pisong pondo kada taon at pahihintulutan din itong umutang o tumanggap ng grants mula sa local o foreign sources upang paigtingin ang modernization efforts.

Binigyang-diin ni Tulfo na lubos na nahihirapan ang mga mangingisda at personnel ng PCG dahil sa harassment at agresibong maneuvers ng Chinese Coast Guard kaya hindi na dapat balewalain ang maritime security.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Bukod sa napapanahon kasabay ng paggiit sa soberanya sa WPS, pinalalakas aniya ng panukala ang papel ng PCG bilang “first line of defense” habang ipinoposisyon ang Pilipinas bilang responsableng bansa.

Dagdag pa ng kongresista, magiging “decisive” at mabilis ang pagtugon ng PCG sa mga banta sa tulong ng modernized assets, enhanced personnel training at pinabuting funding mechanisms.