Dagdag na P500.00 sa Social Pension ng mga Indigent Senior Citizens, sa Naga City, matatanggap na ngayong taon

NAGA CITY – Matatanggap na ngayong taon ang dagdag na ₱500.00 sa Social Pension ng mga nasa 3, 500 na mga Indigent Senior Citizens sa lungsod ng Naga, kung saan ang dating ₱500.00 kada buwan ₱1, 000 na at ₱6, 000.00 na sa loob ng anim na buwan.

Sa panayam kay Jaime Reblando, Program Director ng Office for Senior Citizens Affairs     ng lungsod, sinabing limitado ang mabibigyan ng programa dahil sa posibleng  kakulangan ng pondo mula sa naturang programa ng National Government, isa pa nagkakaroon ng masusing verification at evaluation sa mga requirements ng mga aplikanteng senior citizens at hindi sila ang namimili sa listahan lalo na’t may proseso.

Na maaari silang magpatulong sa barangay pagdating sa pag-aayos ng mga kinakailangan lalo na kung hindi na kaya.

Ang dagdag sa Social Pension mandato ng Republic Act No. 11916, na ang mga benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens o SPISC Program ay tatanggap ng buwanang ₱1,000 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *