PNP, suportado ng paglikha ng ‘super body’ ni PBBM para sa proteksiyon ng karapatang pantao sa bansa

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang adhikain ng paglikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “Special Committee on Human Rights Coordination” sa ilalim ng Administrative Order No. 22.

Layon ng nilikhang ‘super body’ na higit pang mapahusay ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang pagtatatag ng Office of the PNP Human Rights Affairs ay naaayon sa layunin ng AO 22.

Ito aniya ay indikasyon na ang PNP ang unang rerespeto at tutugon sa panawagan ng pinakamataas na paggalang sa karapatang pantao sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *