MSMEs, susuportahan ng incoming DTI chief

Tiniyak ni incoming Trade secretary Fred Pascual na tututukan nito ang estado ng mga MSMEs o ang micro, small at medium enterprises sa bansa lalo na ‘yung mga higit pa ring apektado ng pandemya.

Sa panayam, sinabi ni Pascual na malaki ang naiaambag ng MSMEs sa ekonomiya kaya naman isa ito sa mga pinakadapat tutukan ng Kagawaran sa oras na siya na ang maging Kalihim nito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ngayon, inumpisahan na umano niya ang pakikipag-usap sa mga pribadong grupo at indibidwal para matukoy ang mga pangangailangan ng mga maliliit na negosyo.

Isa sa mga nakikita nitong solusyon para maibsan ang pasakit ng mga maliiit na negosyante ay ang pansamantalang pagwe-waive ng mga requirements para sa business registration.

Imumungkahi rin nito na padaliin ang mga government services kabilang na ang digitalization ng mga ito.
#