Daan-daang political prisoners sa Myanmar pinakawalan ilang buwan matapos ang kudeta

Pinakawalan na ng mga otoridad ang daan-daang political prisoners sa Myanmar ilang buwan matapos mag-take over sa kapangyarihan ang militar sa pamamagitan ng kudeta.

Ayon sa ilang nakalaya, labis ang kanilang pangamba dahil sa pag-aakalang hindi na sila makakauwi sa kanilang mga pamilya.

Kumpirmado ding marami pang bilanggo ang susunod na pakakawalan sa mga susunod na araw.

Matatandaan na daan-daan kundi man libu-libo ang inaresto matapos magsagawa ng anti-coup demonstrations ang iba’t ibang grupo.

Nananatili namang nakaditene ang napatalsik na leader na si Aung San Suu Kyi matapos sampahan ng patong-patong na kaso.