Kumpiyansa ang James L. Gordon Memorial Hospital na bababa pa ng husto ang alert level ng pagamutan.
Ito ay dahil sa unti -unti ng nakakarecover ang hospital sa dami ng mga pasyenteng tinatamaan ng corona virus disease.
Ayon kay Hospital Chief Dr Jewel Manuel ang dating 80 percent na dami ng pasyente sa pagamutan ngayon ay 40 percent na lang.
Matatandaan na noong nakalipas na dalawang buwan ay umabot sa alert level 4 ang hospital dahil okupado na ang higit 70 percent ng bed capacity ng pagamutan pero naibaba na ito ngayon sa alert level 2.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
