Pagkasunog ng US warship noong 2020 isinisi sa military command failure

Isinisi sa failure ng military command chain ang pagkakasunog ng isang US warship sa San Diego California noong July 2020.

Ayon sa bagong report, kabilang sa mga sangkot sa pagkakasunog ng USS Bonhomme Richard ang 36 na sailors kabilang ang limang Admirals.

Sa nasabing sunog, nabunyag din ang ilang kabiguan sa pagtugon sa sunog.

Nakasuhan na rin ng arson ang isang manlalayag na sinasabing nagsimula ng sunog dahil sa galit nito sa kanyang mga commanders bagamat dahil umano sa kabiguan sa pagtugon sa sunog kaya lumaki ang maliit lang sana na pinsala.

Kabilang sa mga sinasabing natukoy ang kabiguan ng tropa na mag-alert sa kabila ng sampung minuto nang nagsimula ang sunog at ang kabiguan ng mga ito na i-activate ang firegighting foam system.

Matatandaan na umabot sa 40 sailors at 23 na mga sibilyan ang nasugtan sa nasabing insidente.