DA, umaasa na magbabalik ang sigla ng mga hog raisers sa bansa

Hindi mawawalan ng pag-asa ang Department of Agriculture (DA) na muling magkakaroon ng kumpiyansa ang mga magbababoy ngayong nagsimula na ang pagbabakuna laban sa African Swine Fever (ASF).

Ito ay sa kabila ng naging malaking epekto ng ASF outbreak sa bansa at pagtigil ng mga magbabababoy ng mga negosyante.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensya na ginagawa nila ang lahat upang hindi dumami at kumalat ang ASF sa bansa kung kaya’t naglaan ng  P300 milyon para sa pagbili ng 600,000 na mga bakuna at handa itong humanap ng karagdagang pang pondo kung mapapatunayan na epektibo ito.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa kasalukuyan,  32 probinsya ang patuloy na apektado ng ASF ngunit unang isinalang sa bakunahan ang nasa mahigit 40 mga baboy sa Lobo, Batangas na deklaradong nasa red zone ng virus na ito.