Handa si dating Health Sec. Francisco Duque III na patunayang wala umanong anomalyang nangyari sa paglipat ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) sa panahon ng public emergency.

Ito ay matapos na magsampa ng kasong graft ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kina Doque at dating PS-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao.
Ayon kay Duque walang basehan ang isinampang kaso laban sa kaniya at handa rin umano siyang patunayan na ang mga hakbang na ginagawa noong kasagsagan ng pandemya ay para sa proteksyon ng mga Pilipino.
Mababatid na naging subject ng imbestigasyon ng Ombudsman sina Duque at Lao matapos maghain ng reklamo sina Sen. Risa Hontiveros at dating Sen. Richard Gordon noong Mayo 8.