PNP at DILG naniniwalang nasa loob pa rin ng KOJC compound si Pastor Quiboloy

Naniniwala ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government na nasa loob pa ng compound ng Kingdom of Jesus Christ si Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kasamahan nito.

Ayon sa PNP mayroon pa silang nade-detect na posibleng may taong nagtatago sa underground tunnel ng KOJC compound.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na halos 50% pa lang ang nagagalugad ng mga pulis kaya kumpiyansa silang nasa loob lang ng compound nagtatago ang pastor.

Mababatid ipinakita ng PNP at DILG ang mga nadiskubre nila sa loob ng KOJC compound kung saan makikita ang mga magagarbong silid, kadetral, at kwarto umano ng Pastor na pinaniniwalaang may sikretong lagusan.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Pero giit ng pamunuan ng KOJC na hindi sikreto ang pintuan sa kanilang katedral dahil alam umano nila na ito ang dinaraanan ni Quiboloy.