DA, BAI at FDA, lumagda sa kasunduan para sa evaluation ng animal vaccine

Lumagda sa kasunduan ang Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry o BAI at ang Food and Drugs Administration o FDA para sa gagawing evaluation ng mga animal vaccine at biologics.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DA Asec. Arnel de Mesa, na ang FDA ang naatasang mag issue ng Licence to Operate o LTO sa mga manufacturers, traders at distributors, gayundin sa retailers ng mga veterinary drugs and products, kasama ang vaccines at biologics.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Inaasahan din ang FDA na mag-isyu ng LTO sa BAI para sa manufacturing or importation at ang pagpapalabas ng certificate of no objection para sa pag-import ng mga bakuna at biologics para sa evaluation at research.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ayon pa kay de Mesa, isa sa pinaghahandaang ng pamahalaan ang pagkakaroon ng bakuna laban sa highly pathogenic avian influenza ang bakuna para sa African Swine Fever.