Supply issues, masosolusyunan ng tariff rate adjustment sa rice imports ayon sa ilang House leader

Naniniwala si House Assistant Majority Leader at Zambales First District Representative Jefferson Khonghun na makatutulong ang pagtapyas sa tariff rates sa imported na bigas na mapigilan ang mga isyung may kinalaman sa suplay.

Ayon kay Khonghun, ginhawa ito para sa mamamayan dahil mapahuhupa umano nito ang presyo ng bigas sa merkado.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Malinaw na indikasyon aniya ang hakbang na nakatutok ang administrasyong Marcos sa pagsisigurong abot-kaya at accessible ang mga pangunahing bilihin.

Kumbinsido rin si PBA Party-list Representative Margarita Nograles na bukod sa financial relief sa mga pamilyang nahihirapan sa masyadong mahal na presyo ng pagkain ay magkakaroon ng kontribusyon ang tariff adjustment para gawing matatag ang ekonomiya.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Naipamalas umano ni Marcos ang commitment nito na sosolusyunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Nakasisiguro naman si Davao Oriental Second District Representative Cheeno Almario na matutugunan ng polisiya ang mga epekto ng inflation sa bansa.