DMW at DA, magsasanib-pwersa para sa pagbibigay ng technical support sa mga OFW agri-preneurs

Magtutulungan ang Department of Agriculture at ang Department of Migrant Workers sa mga programang naglalayong palawakin ang mga oportunidad sa ekonomiya para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs at sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay DA Spokesperson at Asec Arnel de Mesa, lumagda sa kasunduan ang DA at DMW kung saan sa ilalim ng kasunduan, mag-aalok ang DA ng technical assistance, agri-loan, agribusiness training, market linkage, at information materials sa mga OFW agripreneurs.

Nais kasi ng kagawaran na maengganyo rin ang mga OFW na subukang mag invest sa agriculture, lalo sa mga OFW na magbabalik na sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *