BICOL – Sa kabila ng muling paghihigpit sa ilang mga restriskyon bunsod ng covid-19 resurgence, tiniyak ngayon ng Department of Agriculture o D.A-Bicol na hindi nito maaapektuhan ang suplay ng mga pangunahing produkto sa rehiyon.
Kasunod nga ng pagsasailalim sa Alert Level 3 ng halos buong rehiyon, naglabas naman ng abiso ang D.A-Bicol kaugnay sa mga panuntunan sa pag-update o pagkuha ng IATF IDs.
Para umano sa mga magsasaka o mga taong tumutulong sa sakahan na wala pa nito, kabilang sa mga requirements ang 1×1 photo, katibayan na sarili ang lupang sinasaka o seritipikasyon mula sa LGU at kopya ng valid government ID.
Bukod naman sa id picture at government ID, kailangang makapag-secure ng Certificate o Letter of Employment (COE) ang mga agricultural extension workers at private technicians sa agri-fisheries industry para makakuha ng IATF ID.
Para naman sa mga feed millers at may-ari ng mga tindahan ng agri-supplies, kabilang sa mga isa-submit ang 1×1 photo, katibayan na sariling pagma may-ari ang negosyo, impormasyon kung saan galing, saan dadalhin o ibibenta ang produkto at government ID.
Kinakailangan lamang nai-scan ang lahat ng mga nabanggit na requirements at ipadala sa corresponding e-mail address na makikita sa kanilang mismong fb page.
Samantala, maaari pa rin naman umanong gamitin ang dating IATF-ID basta’t ito ay tiyakin lamang na updated sa kanilang tanggapan.
Ang hakbang na ito umano ay upang matiyak na tuloy-tuloy ang transportasyon ng mga agri-fisheries at iba pang food commodities sa rehiyon kahit pa nga sa gitna ng nagpapatuloy ng pandemya.