Mga barangay officials na hindi pa bakunado, possible umanong padalhan ng show cause order- DILG Bicol

LEGAZPI CITY – Hinihimok na ngayon ang lahat ng Barangay sa Bicol Region na magsagawa na ng kanilang inventory para sa mga hindi pa nababakunahan at bakunado sa kanilang lugar.

Ito ay sa kabilang ng anunsyo ni Usec. Martin Diño ng Department of Interior and Local Government (DILG) for Barangay Affairs na maaari umano na magbitiw o magleave sa kanilang posisyon bilang barangay officials.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay OIC Uldarico Razal Jr, ang Assistant Regional Director (ARD) ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol, posibleng padalhan ng show cause order ang sinumang barangay officials ang mapabilang sa listahan ng DILG Central Office.

Aniya, papapaliwanagin ang opisyal na barangay kung bakit hindi pa nagpapabakuna ito.

Nasa Central office na rin kung anu ang magiging desisyon laban sa mga barangay opisyal na hindi pa nababakunahan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nilinaw rin nito na wala naman umanong sapilitan na magpabakuna ang mga ito subalit alam naman ng mga ito ang kahalagahan ng bakuna at hindi pa bakunado.

Sinabi ng opisyal, wala pa naman direktiba o ipinag-uutos na tukuyin ang hindi pa nababakunahan sa kanilang barangay.