Czech Republic, nagtala ng 22,479 COVID cases sa loob ng 24-oras

Naiulat ng Czech Republic ang 22,479 na bagong COVID-19 cases sa loob lamang ng 24-oras.

Ito na ang pinakamataas na record ng naturang bansa na may 10.7-million na populasyon, mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Nire-representa nito ang 54% na pagtaas sa mga kaso mula noong nakaraang linggo.

Nalampasan rin nito ang dating record na 17,778 infections na naitala noong January.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Mababatid na naiulat ng Czech Republic ang napakataas na bilang ng mga kaso kasabay ng pag-sipa ng infections sa ilang European countries kabilang na sa mga karatig bansa nito na Austria, Germany at Slovakia.