Philippine bowling team, nakasungkit ng dalawang bronze medals sa IBF World Championships

Nakasungkit ang Team Philippines ng dalawang bronze medals sa katatapos lamang na IBF World Championships na ginanap mula November 6-15 sa United Arab Emirates.

Nakuha ng men’s team na binubuo nina Ian Dychangco, Merwin Tan, Patrick Nuqui, at Kenneth Chua ang bronze sa team event.

Nag-uwi rin ng bronze ang women’s team nina Uella Marcial, Mades Arles, Norel Nuevo, at Rachelle Leon.

Inihayag naman ni national team coach Biboy Rivera sa isang Facebook post na “extra special” ang bronze medals na kanilang naiuwi mula sa kompetisyon.

Anya, parang nakakuha na rin sila ng ginto lalo na at matagal na panahon na ang lumipas mula nang huling nakasungkit ng medalya ang national team

Samantala, nakuha naman ng South Korea at Singapore ang gold at silver medals sa men’s competition habang nag-uwi rin ang Malaysia ng isa pang bronze medal.

Sa women’s event naman ay nanguna sa kompetisyon ang Team USA, pumangalawa naman ang Malaysia, habang nakasungkit rin ng isa pang bronze medal ang Finland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *