De Lima, nanawagan ng probe kaugnay sa pagkakaaresto ng 64-anyos na aktibista

Hinimok ng nakakulong na si Senador Leila de Lima ang gobyerno na magsagawa ng agaran at malalimang inquiry kaugnay sa pag-aresto ng pulisya sa aktibista na si Maria Salome “Sally” Cirsostomo-Ujano

Ayon kay De Lima, kasama siya ng iba pang advocates na nanawagan ng agarang imbestigasyon kaugnay sa legalidad at sirkumstansya ng pagkakaaresto ni Ujano.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ipinunto ni De Lima na ang pagturing ng PNP regional office kay Ujano bilang isa sa mga top most wanted ng bansa ay patunay sa kahinaan sa kakayahan ng law enforcement ng bansa na magsagawa ng imbestigasyon, tracking, at coordination.

Kung maalala ay naaresto ang 64-anyos na si Ujano ng mga police intelligence officers at ng commandos mula sa Central Luzon at CALABARZON.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Inihayag ng rights group na Karapatan na inaresto si Ujano, na national coordinator ng Philippines Against Child Trafficking ng mga pulis na naka-sibilyan lamang, at walang maipakita na identification.