Cebu– Isa ang lechon sa pinaka sikat na pagkaing Pinoy na karaniwan hinahanda ng iba sa atin kapag may okasyun.
Gugustohin mo pa bang kumain ng lechon kung ang itsura nito ay parang tigre at leopard?
Patok ngayon sa social media ang mga litrato ng mga lechon sa isang litsunan sa Danao City sa Cebu dahil sa inilagay nilang print sa mga balat nito.
Ang mga naturang lechon ay tinawag nilang Safari-inspired lechon, kung saan makikita ang kakaibang itsura ng kanilang lechon na nag mistulang mga tigre at leopard
Dahil sa kakaibang itsura ng mga letchon maraming mga parokyano ang natuwa at naingganyong bumili ng naturang lechon.
Naibebenta ang mga ito sa halagang P6,000 hanggang P8,000.
Ngunit tandaan, kahit gaano man kasarap tingnan ang mga lechon masama parin ang masosobrahan nito kaya dapat eat moderately lamang mga Ka-Brigada!! ### CHRISTINE RAÑA