Augmentation team ilalagay sa Boarder ng Polangui, Albay para sa uuwi ng Masbate Province-Mayor Mariscotes

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng Courtesy Call muna sa tanggapan ni Mayor Andy A. Mariscotes ang ilang miyembro ng Provincial Inter-agency Task Force (PIATF) ng Masbate City sa pamumuno ni G. Glenn V. Malnegro.

Ayon sa alkade, nakipag-ugnayan ang PIATF Masbate sa Local na Pamahalaan ng Polangui, Albay para maglagay ng tauhan sa checkpoint sa Barangay Agos sa nasabing bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ito ay para tumulong sa inspeksyon sa mga papasok sa lalawigan ng Albay partikular na sa Masbate Province.

Layunin nito na makontrol ang mga taong pumapasok sa probinsya at mas maging mabisa pa ang programa ng administrasyon kontra sa paglaganap ng Covid-19.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, may mga nakakalusot umano sa border checkpoint na nagpepresenta ng pekeng mga dokomento para makalusot sa Port ng Masbate.

Dahil dito mas lalo magiging mahigpit ang border checkpoint ng Polangui dahil sa magtutulungan ngayon ang PIATF Masbate at Albay.